dzme1530.ph

Dating pulis Caloocan, sinentensyahan ng Reclusion Perpetua dahil sa pagpaslang sa 2 teenagers

Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang dating pulis sa Caloocan City dahil sa pagpatay kina Carl Anthony Arnaiz at Reynaldo de Guzman alyas ‘’Kulot’’ noong 2017.

Sa 80 pahinang desisyon, sinentensyahan ni Navotas Regional Trial Court Judge Romana Lindayag del Rosario si Jeffrey Sumbo Perez ng Reclusion Perpetua at hindi dapat bigyan ng parole bunsod ng pagpatay kay Arnaiz.

Kaparehong hatol ang ipinataw ng hukom sa dating Pulis bunsod ng pagpatay din kay de Guzman.

Inatasan din si Perez na magbayad ng mga danyos sa pamilya ni Arnaiz na nagkakahalaga ng kabuuang P390,000 habang P300,000 naman sa pamilya ni de Guzman.

August 18, 2017 nang paslangin ng mga pulis Caloocan si Arnaiz makaraang holdapin umano nito ang isang taxi driver.

Natagpuan naman kinalaunan ang bangkay ni de Guzman na nakabalot ng packaging tape sa ulo at may tama ng tatlumpung saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa Gapan, Nueva Ecija.

Una nang hinatulan nang guilty ng Caloocan Regional Trial Court si Perez sa pag-torture at pagtatanim ng ebidensya sa dalawang teenagers.

About The Author