dzme1530.ph

Dating Pangulong Duterte, no-show sa preliminary investigation kaugnay ng reklamong Grave Threats na isinampa laban sa kanya ng isang kongresista

Hindi sumipot si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa itinakdang preliminary investigation sa reklamong Grave Threats na isinampa laban sa kanya ni ACT Teachers party-list Representative France Castro.

Mga abogado lamang ni Duterte ang dumating sa Quezon City Prosecutor’s Office, kahapon, dahil hindi pa natatanggap ng dating Pangulo ang Subpoena na inisyu sa kanya noong Nobyembre.

Noong Oktubre ay naghain ng reklamo si Castro laban sa dating Pangulo makaraang pagbantaan siya nitong papatayin sa programa nito sa telebisyon at napanood din sa pamamagitan ng internet.

Mayroong hanggang Dec. 15 si Duterte para maghain ng counter-affidavit at sagutin ang akusasyon laban sa kanya. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author