Walang anumang ipinangako si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Ayon kay dating Executive Secretary Salvador Medialdea, hindi ito kailanman gagawin ni dating Pangulong Duterte dahil simbolo ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre sa West Philippine Sea.
Noong Lunes, makaraang itanggi ng kampo nina dating Pangulong Joseph Estrada at Gloria Arroyo na nangako sila sa China, sinabi ni ACT Tachers Party-list Rep. fraNce Castro na ang pananahimik ni Duterte ay nagpapahayag ng malinaw na mensahe.
Ipinaalala ni Castro na noong May 2021 ay tinawag ni Duterte na kapirasong papel na puwedeng itapon sa basurahan ang ang arbitral victory ng Pilipinas laban sa pag-angkin ng China sa West Philippine Sea. —sa panulat ni Lea Soriano