dzme1530.ph

Dating Pang. Duterte, ipinagkibit-balikat lang ang pagbasura ng ICC sa apela ng Pilipinas

Ipinagkibit-balikat lang ni dating Pang. Rodrigo Duterte ang pagbasura ng International Criminal Court (ICC) sa apela ng Pilipinas kaugnay ng kanyang War on Drugs.

Sinabi ni Atty. Harry Roque, Counsel ni Duterte, naninindigan ang dating Pangulo na bilang isang malayang bansa, tanging korte lamang sa Pilipinas ang maaring maglitis sa anumang krimen na nagawa sa teritoryo ng bansa.

Sa Facebook post, inihayag ni Roque na nasabi na noon ni Duterte na haharapin nito ang mga nag-aakusa sa kanya anumang oras pero dapat ay korte sa Pilipinas at sa harap lamang ng Pilipinong hukom.

2019 nang ipag-utos ni noo’y Pang. Duterte ang pagkalas sa ICC, isang taon matapos ilunsad ng The Hague-Based Tribunal ang preliminary investigation sa madugong drug war. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author