Inatasan ng Supreme Court First Division ang mababang korte na agad ipa-arestong muli at ikulong si dating Palawan Gov. Mario Joel Reyes kaugnay ng pagpaslang sa environmentalist at journalist na si Gerardo “Gerry” Ortega noong 2011.
Sa resolusyon ng SC na may petsang March 29, 2023 subalit kahapon lang isinapubliko, ipinag-utos din nito sa RTC branch 52 sa Puerto Princesa City na ipagpatuloy “with utmost dispatch” ang proceedings sa criminal case no. 26839, kung saan inakusahan si Reyes ng pagpatay kay Ortega.
Ito’y matapos ibasura ng kataas-taasang hukuman ang petisyon ni Reyes na baliktarin at baliwalain ang inamyendahang desisyon ng Court of Appeals noong November 2019 at resolusyon nito noong February 2021 kaugnay ng naturang kaso.
January 2011 nang barilin sa ulo si Ortega na aktibong lumalaban sa illigal mining sa Palawan. —sa panulat ni Lea Soriano