dzme1530.ph

Dating Immigration officer na sangkot sa pastillas scam, naghain ng guilty plea sa mas magaang na kaso; pinagmulta lang ng P5,000

Naghain ng Guilty plea sa mas magaang na kaso ang dating Immigration officer na sangkot sa pastillas scam.

Sa desisyon ng Sandiganbayan 7th Division, inatasan si Asliyah Alonto Maruhom na magbayad lamang ng P5,000 multa makaraang umamin na lumabag sa Section 7(D) ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Si Maruhom ay isa sa 49 Immigration officials at isang pribadong indibidwal na kinasuhan sa Anti-Graft court bunsod ng Pastillas Scam kung saan 143 na karamihan ay chinese, ang pumasok sa Pilipinas bilang mga turista at kalaunan ay nagtrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hubs, na bawat isa ay nagbayad sa immigration personnel ng P10,000.

Ang krimen ay mayroong katapat na parusa na 6 hanggang 15-taong pagkabilanggo, bukod sa perpetual disqualification sa panunungkulan sa public office at pagbawi sa hindi maipaliwanag na yaman. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author