dzme1530.ph

Dating hepe ng PNP-PDEG, posibleng maharap sa mas mabigat na kasong administratibo kaugnay ng ₱6.7-B shabu case

Posibleng maharap sa mas mabigat na kasong administratibo si dating PNP Drug Enforcement Group head PBGen. Narciso Domingo makaraang 49 na PDEG officers ang nakatakdang sampahan ng administrative at criminal charges.

Kaugnay ito sa pagkakakumpiska ng 990 kilograms ng shabu na nagkakahalaga ng ₱6.7 billion noong 2022, kung saan tinangka umano ng ilang opisyal na pagtakpan ang pagkaka-aresto sa isa nilang kabaro na si Police Master Sgt. Rodolfo Mayo.

Sa press conference, kahapon, sinabi ni PNP-Investigation and Detective Management Director Major Gen. Eliseo Cruz na kapag mas mabigat ang resposibilidad, mas mabigat din ang pananagutan.

Aniya, hindi katanggap-tanggap na hindi alam ng commander ang mga ginagawa ng kanyang mga tauhan.

Inamin din ni Cruz na demoralized ang kanilang organisasyon kasunod ng pagkakabunyag ng naturang iregularidad, subalit patuloy ang kanyang panawagan sa lahat ng PNP personnel na gampanan ang kanilang mandato at huwag magpa-apekto.

About The Author