dzme1530.ph

Dating DILG Usec. Martin Diño, pumanaw na

Pumanaw na si dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño.

Sa isang Facebook post ng kaniyang anak na si Liza Diño-Seguerra, sinabi nito na binawian na ng buhay ang kaniyang ama kaninang alas-2:15 ng madaling araw.

Si Diño ay nagsilbing DILG Usec. sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Bago ang kaniyang appointment sa ahensya, naging Chairman din ito ng Subic Bay Metropolitan Authority(SBMA) at Violence Against Crime and Corruption (VACC) Organization.

Noong Hulyo, matatandaang ibinunyag ni Diño-Seguerra na ang kaniyang ama ay nakikipaglaban sa Stage 4 Cancer. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author