Inatasan ng State Prosecutors si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na humarap sa Department Justice (DOJ) para sa preliminary investigation ngayong Miyerkules at sa Dec. 19 kaugnay ng umano’y terrorism financing.
Nakasaad sa Subpoena na pinagsusumite si Teves ng kanyang Counter-Affidavit sa mga naturang petsa para sa kinakaharap na reklamong paglabag sa Terrorism Financing Prevention and Supression Act of 2012, pati na Anti-Terrorism Act of 2020.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi sa bansa si Teves na binansagang terorista, kasama ang 11 iba pa ng Anti-Terrorism Council noong Agosto bunsod ng umano’y mga pagpatay at pananakot sa Negros Oriental.
Una nang napaulat na namataan ang dating mambabatas sa Timor-Leste kung saan humirit ito ng Asylum noong mayo subalit tinanggihan ng naturang pamahalaan. —sa panulat ni Lea Soriano