dzme1530.ph

Dating BuCor Director, General Gerald Bantag, pinaaaresto na ng Korte

Naglabas na ng Warrant of arrest nitong April 12, 2023 ang Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 206 laban kay Dating Bureau of Corrections Director, General Gerald Bantag.

Bukod kay Bantag, ipinaaaresto rin ang deputy ni Bantag na si Ricardo Zulueta dahil sa kasong murder kaugnay sa pagkakapaslang kay broadcaster Percy Lapid.

Ang inisyung Warrant of arrest ni Judge Gener Gito para kay Bantag ay naka-address sa Block 1 Lot 3 Kaunlaran Village, Dagat-Dagatan NCR habang ang warrant of arrest laban kay Zulueta ay naka-address sa Block 1 Lot 6 Pandi Heights, Cacarong Matanda, Pandi Bulacan

Inaatasan ang lahat ng law enforcement agency na dakpin si Bantag at iharap sa naturang hukuman dahil sa kasong paglabag sa Article 248 ng Revised Penal Code o murder.

Walang inirekomendang piyansa ang hukom sa pansamantalang paglaya ng dalawang opisyal habang sila ay nililitis sa kaso nang pagpaslang kay Lapid. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author