Nag-alok ang Department of Justice at National Bureau of Investigation ng pabuya para sa ikadarakip ni dating Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag at deputy officer na si Ricardo Zulueta.
Ang dalawa ay kapwa akusado sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Percy Lapid at sa umano’y middleman sa krimen na si Jun Villamor.
P2-M reward ang ipagkakaloob sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para sa ikadarakip ni Bantag habang P1-M para kay Zulueta.
Tiniyak ni DOJ Spokesperson Asec. Mico Clavano sa publiko na lahat ng impormasyon na kanilang matatanggap ay ituturing “With Strictest Confedentiality” alinsunod sa batas. —sa panulat ni Lea Soriano