dzme1530.ph

Dating BuCor Chief Gerald Bantag, hindi naging miyembro ng PNP

Nilinaw ng PNP na hindi nila naging miyembro si dating Bureau of Corrections Chief Gerald Banta, taliwas sa unang napaulat.

Ayon sa PNP Public Information Office, si Bantag ay opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) bago na-appoint sa BuCor.

Humingi naman ng paumanhin si Department of Justice Spokesperson Assistant Sec. Mico Clavano sa anumang kalituhan na idinulot ng kanyang pahayag.

Inihayag ni Clavano na nais niyang itama ang kanyang pagkakamali, sa pagsasabing hindi kailanman nagsilbi si Bantag sa PNP, at sa halip ay nagtapos ito sa Philippine National Police Academy. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author