dzme1530.ph

Dating BuCor chief Gerald Bantag, ex-deputy officer Ricardo Zulueta, itinuturing ng pugante ng PNP

Itinuturing ng pugante ng Philippine National Police sina dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag at dating deputy officer Ricardo Zulueta dahil sa outstanding warrants of arrest na inihain laban sa kanila.

Ito ang sinabi ni PNP Public Information Office chief PCol. Redrico Maranan na patuloy ang manhunt operation ng mga otoridad laban kay Bantag at Zulueta kasunod nang inilabas na warrants ng Regional Trial Court ng Las Piñas at Muntinlupa.

Matatandaang kinasuhan ng 2 counts of Murder ng DOJ prosecutors sina Bantag at Zulueta noong nakaraang buwan kaugnay sa pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid at umano’y middleman na si Jun Villamor.

About The Author