dzme1530.ph

Dating BuCor Chief Gerald Bantag at 6 na iba pa, kinasuhan ng NBI ng Murder kaugnay ng pagkamatay ng isa pang Bilibid inmate

Sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ng panibagong Murder complaint si dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag.

Kaugnay ito sa pagkamatay ng isang Person Deprived of Liberty (PDL) na umano’y nagbunyag ng mga katiwalian sa New Bilibid Prison (NBP) sa social media.

Sa press statement ng DOJ, sinabi nito na si Hegel Samson na mayroong profile na “Leon Bilibid” sa social media, ay idineklara ng NBP Hospital na binawian ng buhay noong Nov. 7, 2020.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, death by plastic ang sinapit ni Samson, gaya ng nangyari sa isa ring Bilibid inmate na umano’y middleman sa Percy Lapid killing na si Jun Villamor, kung saan dawit din si Bantag.

Bukod sa dating BuCor Chief, tinukoy ding respondents sina dating BuCor Deputy Officer Ricardo Zulueta at dating BuCor Senior Supt. Victor Pascua, at PDLs na sina Rolando Villaver, Mark Angelo Lampera, Charlie Dacuyan at Wendell Sualog. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author