dzme1530.ph

Dating broadcaster na si Jay Sonza, nakalabas mula sa Quezon City Jail

Nakalabas na mula sa Quezon City Jail ang dating broadcaster na si Jay Sonza makaraang magpiyansa para sa kinakaharap nitong 11 Counts of Estafa.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology, natanggap nila ang release order ala-6 kagabi at nakalabas ng kulungan si Sonza bandang alas-9.

Dinismiss din, provisionally, ng Quezon City Regional Trial Court Branch 100 ang kaso laban sa dating broadcaster para sa Syndicated at Large Scale Estafa, gayundin ang Illegal Recruitment Charge sa RTC Branch 215.

Naglagak din ito ng piyansa sa Quezon City RTC Branch 77 para sa kasong Libel. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author