dzme1530.ph

Dami ng mga nahuhuling isda sa WPS, bumaba sa 70%

Bumaba ng 70% ang nahuhuling isda sa West Philippine Sea simula pa noong 2020 ayon sa

Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA).

Ayon kay PAMALAKAYA National Chairman Fernando Hicap, inaasahan na nila ang patuloy na pagbaba sa mga nahuhuling isda sa pinag-aagawang teritoryo dahil sa malawakang pangangaso o pangunguha ng corals ng mga Tsino.

Nagsimula aniya ang naturang pagbaba matapos ang standoff sa panatag (Scarborough) shoal noong 2012 nang pigilan ng mga chinese vessel ang mga tauhan ng Philippine Navy na hulihin ang isang chinese fishing boat na may dalang iligal na kargamento ng mga endangered corals, baby shark at giant clams.

Dahil dito, hindi na pinapayagan ang mga mangingisdang Pinoy na pumalaot sa West Philippine Sea.

Hinimok din ni Hicap si Pangulong Bongbong Marcos na magbaba ng direktiba sa lahat ng concerned agencies upang mabilis na matukoy kung gaano kalala ang pinsala sa coral reefs sa naturang teritoryo at panagutin ang China. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author