Nagpalala ang dami ng alikabok sa kalidad ng hangin sa buong mundo noong 2022.
Ayon sa United Nation World Meteorological Organization (WMO), ito ay dahil sa mataas na human activities at emissions sa West-Central Africa, Arabian Peninsula, Iranian Plateau at Northwestern China.
Inihalimbawa rin nito ang mataas na temperatura, tagtuyot, at higher evaporation na nagreresulta sa mababang soil moisture.
Nabatid na ang global average ng annual mean dust surface concentrations noong 2022 ay umabot sa 13.8 micrograms per cubic meter, mas mataas kumpara sa13.5 micrograms per cubic meter na naitala noong 2021. —sa panulat ni Airiam Sancho