Nasangkot na rin sa banggaan noong 2016 ang giant container ship na Dali na sanhi ng pagbagsak ng Francis Scott Key Bridge sa Baltimore.
Ayon sa Vessel Finder at Maritime Incident Archive na Shipwrecklog, ang 948 feet cargo ship na may 10,000 containers capacity ay bumangga na rin sa sa isang shipping pier sa Belgium.
Sa ulat, tumama ang stern o likurang bahagi ng dali sa isang loading pier na gawa naman sa bato habang paalis ng port of Antwerp-Bruges sa Belgium.
Wala namang naitalang nasaktan sa naunang insidente ngunit kinailangang ipasara ang nabanggang pier dahil sa tinamo nitong matinding pinsala.
Lumabas sa imbestigasyon, na ang pagkakamali ay kagagawan ng master at pilot ship ng nasabing barko.