Humingi ng paumanhin ang Tibetan Spiritual Leader, Dalai Lama, makaraang kumalat ang video kung saan hiniling nito sa isang batang lalaki na sipsipin ang kanyang dila na umani ng kaliwa’t kanang batikos sa social media.
Sa viral video, makikita ang 87-taong gulang na Dalai Lama na hinalikan ang labi ng batang lalaki nang yumuko ito para magbigay-galang.
Inilabas ng Buddhist Monk ang kanyang dila at sinabihan nito ang bata na “Can You Suck My Tongue,” na maririnig din sa video.
Sa statement sa kanyang Verified Twitter Account, ikinatwiran ng Dalai Lama na kadalasan ay binibiro nito ang kanyang mga nakakasaluma, kahit sa harap ng publiko at mayroong mga camera.