dzme1530.ph

Dairy Authority, nakipag-ugnayan sa National Commission on Indigenous Peoples

Nilagdaan nina National Dairy Authority (NDA) Administrator Dr. Gabriel Lagamayo at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang isang Memorandum of Agreement (MOA) noong January 9, 2024, na makatutulong para sa mahihirap o indigent na mga Pilipino.

Ayon kay NDA Administrator Dr. Gabriel Lagamayo, layon ng kasunduan na magtayo ng stock farms para sa produksyon at pagpaparami ng dairy cattle o gatas ng baka sa mga ancestral land kung saan, magiging empleyado ang Indigenous Cultural Communities (ICCs) o Indigenous Peoples (IP).

Ani Lagamayo, target ng NDA at NCIP na maabot ang 5% milk sufficiency sa 2028, kaya’t nangangailangan ang ahensya ng malaking volume ng milk production.

Kaugnay nito, sasailalim sa training o sa dairy farm management ang indigenous peoples upang maisakatuparan ang hangarin ng Dairy Authority. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author