dzme1530.ph

Dahilan ng pagbagsak ng ilang unibersidad sa bansa sa world university rankings, susuriin ng CHED

Tiniyak ng Commission on Higher Education (CHED) na titingnan nilang maigi ang mga posibleng dahilan nang pagbaba sa world university rankings ng ilang Philippine Higher Education Institutions (HEIs) sa bansa.

Lumabas kasi sa 2024 Times Higher Education (THE) World University Rankings na bumagsak ang Ateneo de Manila University, University of the Philippines, De La Salle University, at iba pa kumpara sa kanilang 2023 ranking.

Ayon kay CHED Chairperson Prospero de Vera III, maaaring isa sa mga dahilan nito ay ang bilang at performance ng HEIs sa ibang bansa.

Mas nagiinvest kasi aniya ang international HEIs sa research, faculty development, facilities at iba pa, kumpara sa mga HEI dito sa Pilipinas.

Gayunman, ipinaliwanag ng kalihim na ang mababang ranking ay hindi awtomatikong nangangahulugan ng mababang iskor ng mga unibersidad.

Sa kabila nito, binigyang diin ni de Vera na magpapatuloy ang CHED sa kanilang pangako na mas iimprove pa ang lebel ng edukasyon sa bansa. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author