dzme1530.ph

Dahil sa tigil pasada, F2F classes sa ilang paaralan, suspendido

Bago pa man ang pahayag na hindi kailangang magsuspinde ng klase dahil sa tigil-pasada, nag-anunsyo na ang ilang local government units at mga paaralan na naka-modular learning sila at walang face-to-face classes.

Ngayong araw at bukas, suspendido ang in-person classes sa lahat ng antas ng paaralan sa Pampanga at Adamson University.

Naka-online classes ngayong Lunes ang lahat ng antas sa Marikina; Sta. Rosa, Laguna; De La Salle University Laguna; National University; Polytechnic University of the Philippines; San Beda University; University of the East; at University of Sto. Tomas.

Ipatutupad din ang online classes sa college level ng De La Salle University Manila, High School hanggang College sa Far Eastern University, at Grade school hanggang Junior High School sa San Sebastian College. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author