dzme1530.ph

Dagsa ng pasaherong papaalis at padating sa NAIA nagsimula na, matapos ang holiday break

Inaasahan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na tataas pa ang bilang ng mga pasahero na papaalis at paparating sa bansa simula ngayong araw hanggang Biyernes matapos ang long holiday break.

Ngayong araw nagsimulang dumagsa ang mga pasahero para sa kanilang flight schedule kung saan halos mapuno ng pasahero ang departure area ng Ninoy Aquino international Airport (NAIA) Terminal 1.

Magkakasunod din na dumating kaninang umaga ang mga pasahero sakay ng PAL flight mula Dammam at Dubai.

Ayon kay Public Affairs Office head Connie Bungag nag a-average ng 120 to 130,000 air passengers kada araw ang paliparan para sa regular day kasama na dito ang inbound at outbound passengers, at posebling malagpasan pa ito dahil sa magbabalikan na pasahero mula sa bakasyon.

Tiniyak naman ni Bungag na nakahanda ang pamunuan ng MIAA sa inaasahang volume ng pasahero para magbalikan sa kanilang trabaho sa abroad gayundin ang mga pasaherong magbabalik bansa. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author