dzme1530.ph

DAGDAG SWELDO NG MGA MANGGAGAWA, NANGUNGUNANG ISYU NA DAPAT TUGUNAN NG MARCOS ADMINISTRATION, AYON SA SURVEY

Loading

Dagdag sa sweldo ng mga manggagawa ang most urgent issue ngayon na nais ng mga Pilipino na tugunan ng Marcos Administration, batay sa survey ng Octa Research Group.

 

Sa Dec. 3  to 11, 2025 survey, 45 percent ng 1,200 respondents ang pumili sa sweldo bilang isa sa kanilang top 3 concerns.

 

22 percent ang pumili sa umento sa sahod bilang kanilang first choice.

 

41 percent naman ang pumili sa pagkontrol sa inflation, na karaniwang nauuna sa mga nagdaang surveys.

 

Sumunod ang access sa abot-kayang presyo ng pagkain na mayroong 30 percent; paglaban sa korapsyon, 29 percent; at pagbibigay ng libre at dekalidad na edukasyon, 28 percent.

 

Ang iba pang top issues ay kinabibilangan ng pagbabawas ng kahirapan, paglikha ng mga trabaho, at paglaban sa iligal na droga.

About The Author