dzme1530.ph

Dagdag-presyo sa produktong petrolyo, naka-amba sa susunod na linggo

Naka-amba nanamang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa 4-day Oil trading ng Mean of Platts Singapore, sinabi ng Dept. of Energy na posibleng piso kada litro ang dagdag sa presyo ng diesel at kerosene.

Habang P0.50 naman ang itataas sa kada litro ng gasolina.

Inuugnay ang nasabing pagtaya sa pagbagsak ng stockpile ng krudo ng Estados Unidos, maging ang panawagan ng iran sa mga miyembro ng Ogranization of Islamic Cooperation (OIC) na magpataw ng oil embargo sa Israel. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author