Abiso sa mga motorista!
Naka-ambang magpatupad ng pisong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, Feb 20.
Batay sa pagtaya ng Oil industry players, maaaring umabot sa P0.90 hanggang P1.10 ang madaragdag sa presyo ng kada litro ng diesel.
Habang P1.20 hanggang P1.40 naman ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina.
Una nang sinabi ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau na posible ring magkaroon ng mahigit pisong dagdag sa presyo sa kada litro ng kerosene.
Iniuugnay ang posibleng oil price hike sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East, pagdami ng suplay ng krudo sa Amerika, pagka-antala sa pagpapadala ng suplay sa Red Sea, at forecast ng organization of the petroleum exporting countries (OPEC) ukol sa mataas na demand ngayong taon.