dzme1530.ph

Dagdag-presyo sa gasolina at diesel, naka-amba sa susunod na linggo

Nagbabadya nanamang tumaas ang presyo ng ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa 4-day trading ng Mean of Platts Singapore, sinabi ni Rodela Romero, Director ng Dept. of Energy – Oil Industry Management Bureau na posible ang bahagyang pagtaas sa presyo ng gasolina na aabot sa P0.65 hanggang P0.85 kada litro.

P0.45 hanggang P0.65 sentimo naman ang tinatayang madaragdag sa halaga ng bawat litro ng diesel.

Inaasahan naman ng DOE na walang paggalaw o magkakaroon lamang ng kaunting rollback na P0.10 kada litro sa kerosene. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author