Epektibo na ngayong araw, June 27, ang ipinatupad na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ng mga kumpaniya ng langis.
Alas 12:01 ng madaling araw unang ipinatupad ng Caltex ang price adjustment kung saan ang gasolina ay may dagdag-presyo na P0.20 kada litro habang P1.05 centavos ang taas-presyo sa kada litro ng diesel.
Ganitong galaw din ang ipinatupad ng Petron, Flying V, Sea Oil, PTT Philippines, Unioil, Jetti Petroleum, Petrogazz at Phoenix Petroleum, alas-6 kaninang umaga.
Aabot naman sa P1.20 centavos ang taas-presyo sa kada litro ng kerosene ang ipinatupad ng Petron, Flying V at Sea Oil.
Nakatakda namang ipatupad ng kumpaniyang cleanfuel ang kanilang oil price adjustment mamayang alas-4:01 ng hapon.
Samantala, epektibo na rin ngayong araw ang P3.00 price rollback sa kada kilo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ng kumpaniyang Regasco, nangangahulugang nasa P33.00 ang bawas-presyo sa kada 11-kilogram LPG cylinder ng nasabing oil company.