dzme1530.ph

Dagdag pensyon sa mga war veterans, ipinasisiguro ni PBBM

Nais tiyakin ni Pang. Ferdinand Marcos, Jr na maaayos na ang pensiyon ng mga beteranong nakipaglaban para sa kalayaan ng ating bansa.

Ayon sa Pangulo, kailangang gumawa ng hakbang para ayusin na ang dagdag na pensyon ng mga ito bilang pagkilala sa kanilang ginawang bahagi para sa ating kalayaan.

Sinabi ng Pangulo, iilan na lamang ang mga nalalabing War Vetarans ng bansa na mula sa dating 5,000, ngayon ay mahigit 1,000 na lamang kaya dapat na alagaan ang mga ito, alang-alang sa nagawa nito para sa mga Pilipino.

About The Author