dzme1530.ph

Dagdag-pasahe sa LRT-1 at LRT-2, magsisimula na bukas

Ipinaalala ng Department of Transportation na simula bukas, Aug. 2, ay epektibo na ang dagdag-pasahe sa LRT-1 at LRT-2.

Para sa single-journey tickets, ang minimum fare ay magiging P15 na habang ang maximum fare ay itinaas sa P35.

Samantala, ang stored-value cards o beep cards naman ay dapat may minimum na load na P13.29 mula sa dating P11.

Ang pasahe sa LRT-1 mula Baclaran hanggang Roosevelt ay P35 gamit ang single-journey ticket o beep card, habang ang end-to-end ride sa LRT-2 mula Recto hanggang Antipolo ay P33 gamit ang beep card at P35 naman sa single-journey ticket. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author