dzme1530.ph

Dagdag P450-B sa unprogrammed fund sa 2024, pinave-veto sa Pangulo

Nanawagan si Senate Minority Leader Koko Pimentel kay Pang. Ferdinand Marcos Jr na i-veto ang dagdag na P450 billion unprogrammed fund sa ilalim ng inaprubahang 2024 proposed budget.

Kasabay nito, kinastigo ni Pimentel ang mga kapwa niya mambabatas sa pagbuo ng anya’y “unconstitutional” 2024 budget bill.

Ipinunto ni Pimentel na ang dagdag na P450 billion unprogrammed funds sa pinal na bersyon ng General Appropriations Bill (GAB) ay unconstitutional dahil ang orihinal na panukala ng ehekutibo ay P5.768 trilyong lamang.

Upang maiwasan ang petisyon sa Korte Suprema, hinimok ni Pimentel ang Pangulo na i-veto ng P450-billion unprogrammed fund.

Una rito, inirekomenda ni dating Senador Panfilo Lacson ang pag-veto sa naturang probisyon. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author