dzme1530.ph

 Dagdag-bawas sa presyo ng produktong Petrolyo, umarangkada na

Epektibo na ngayong araw ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong Petrolyo ng ilang kumpaniya ng langis.

P2.00 ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina habang P0.40 naman ang taas-presyo sa kada litro ng Diesel.

Habang nagkaroon naman ng P0.50 per liter na tapyas-presyo sa produktong Kerosene o gaas ang Shell at Seaoil.

Alas 12:01 ng madaling araw unang ipinatupad ng Clean Fuel ang price adjustment na sinundan ng iba pang kumpaniya ng langis kaninang 6 ng umaga. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author