dzme1530.ph

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, umarangkada na

Epektibo na ngayong araw ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ng ilang kumpaniya ng langis.

Batay sa anunisyo ng oil industry players, P0.75 ang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel habang P0.50 naman ang taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Nagkaroon naman ng P0.20 na tapyas-presyo sa kada litro ng gasolina.

Alas 12:01 ng madaling araw unang ipinatupad ng Caltex ang price adjustment na sinundan ng iba pang kumpaniya ng langis kaninang alas-6 ng umaga.

About The Author