dzme1530.ph

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, asahan

Asahan ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo bukas, June 4.

Batay sa pagtaya ng ilang oil industry players, posibleng maglaro sa P0.40 hanggang P0.60 ang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel.

Posible namang bumaba ng P0.60 hanggang P0.90 ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Habang inaasahan tataas ng P0.75 hanggang P0.90 ang presyo ng kada litro ng kerosene batay naman sa monitoring ng Department of Energy- Oil Industry Management Bureau.

Ang oil price adjustments ay bunsod ng nagbabadyang production cut ng OPEC plus (OPEC+), at pagtaas ng demand ng langis noong summer season.

About The Author