dzme1530.ph

Dagdag-bawas sa presyo ng oil products, epektibo na ngayong araw

Umarangkada na ngayong araw ang ipinatupad na dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Alas 12:01 ng madaling araw unang ipinatupad ng Caltex ang price adjustment kung saan ang gasolina ay may dagdag-presyo na P1.10 kada litro, may P0.35 na tapyas-presyo naman sa kada litro ng kerosene, habang walang paggalaw sa presyo ng diesel.

Ganitong galaw din ang ipinatupad ng Flying V, Petron, Sea Oil, at Shell alas-6 kaninang umaga.

Nakatakda namang ipatupad ng kumpaniyang Cleanfuel ang dagdag-bawas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo mamayang alas-4:01 ng hapon.

Samantala, epektibo lang sa Gasolina at Diesel ang ginawang adjustment ng Cleanfuel, Petro Gazz, Phoenix Petroleum Philippines Inc., at PTT Philippines Corp. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author