Umarangkada na ngayong araw ang ipinatupad na dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Alas 12:01 ng madaling araw unang ipinatupad ng Caltex ang price adjustment kung saan ang gasolina ay may dagdag-presyo na P0.80 kada litro, P0.60 kada litro naman ang taas-singil sa diesel.
Habang may P0.10 na tapyas-presyo sa kerosene.
Ganitong galaw din ang ipinatupad ng Flying V, Petron, SeaOil, PTT Philippines, Shell, Phoenix Petroleum, JETTI Petroleum at Petrogas, alas-6 kaninang umaga.
Habang alas-4:01 pa ng hapon ipatutupad ng kumpaniyang Cleanfuel ang dagdag-bawas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo.
Itinuturong dahilan ng nasabing dagdag-bawas ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.