Posibleng magpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang oil companies sa bansa sa susunod na Linggo.
Batay sa 4-day trading, nasa P0.53 centavos ang inaasahang rollback sa kada litro ng gasolina habang P0.12 centavos ang tapyas-presyo sa kada litro ng diesel.
Magkakaroon naman ng P0.11 centavos na dagdag-presyo sa kada litro ng kerosene o gaas.
Sa datos ng Department of Energy, as of May 14, ang year-to-date adjustments sa kada litro ng gasolina ay mayroong net increase na P7.25 centavos, P4.20 centavos sa kada litro ng diesel, habang may P1.65 centavos per liter naman na net decrease ang kerosene.