dzme1530.ph

Dagdag-bawas sa presyo ng oil products, asahan sa Martes

Abiso sa mga motorista!

Asahan ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na Linggo.

Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, lumabas sa 4-day trading ng Mean of Platts Singapore (MOPS) ng mga produkto ng langis, magkakaroon ng taas-presyo sa gasolina at diesel.

Batay sa MOPS mula May 15 hanggang 18 posibleng umabot sa P0.36/ litro ang dagdag-singil sa gasolina.

Habang inaasahang tataas ng P0.31/litro ang halaga ng diesel.

Samantala, posible namang matapyasan ng P1.17/ litro ang presyo ng kerosene.

About The Author