dzme1530.ph

Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, epektibo na ngayong araw

Umarangkada na ngayong araw ang ipinatupad na dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Alas 12:01 ng madaling araw unang ipinatupad ng Clean Fuel at Caltex ang price adjustment, kung saan magkakaroon ng dagdag ₱0.30 ang kada litro ng gasolina at ₱0.10 sa kada litro ng kerosene.

Habang mababawasan naman ng ₱0.40 ang kada litro ng diesel.

Ganitong galaw din ang ipinatupad na dagdag-bawas sa presyo ng tatlong oil products ng Pilipinas Shell, Flying V, Petron at Seaoil kaninang alas-6 ng umaga.

Samantala, epektibo lang sa gasolina at diesel ang ginawang adjustment ng PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Jetti Petroleum at Petrogas.

About The Author