dzme1530.ph

Dagdag-bawas sa petroleum products, ipinatupad ngayong Martes

Nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, ngayong Martes.

Nadagdagan ng P0.30 ang kada litro ng gasolina habang tumaas ng P0.20 ang kada litro ng kerosene.

Samantala, binawasan naman ng P0.30 ang kada litro ng diesel.

Una nang tinaya ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy ang dagdag-bawas sa petroleum products ngayong linggo bunsod ng espekulasyon na palalawigin ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) at partners nito ang pagtatapyas ng supply. —sa panulat ni Lea Soriano

 

 

About The Author