dzme1530.ph

Dagdag-bawas na presyo ng produktong petrolyo, mararanasan sa susunod na Linggo

Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis sa susunod na Linggo.

Batay sa pagtaya ng ilang oil industry players, posibleng umabot ng P0.75 centavos hanggang P1.15 centavos kada litro ang ibaba ng presyo ng gasolina sa Martes.

Samantala, ang presyo naman ng diesel ay maaaring magtaas ng P0.30 centavos hanggang P0.70 centavos kada litro.

Habang may dagdag-presyo naman na P0.55 centavos hanggang P0.95 centavos kada litro ang kerosene.

Karaniwang inaanunsiyo ang pinal na oil price adjustments tuwing Lunes.

About The Author