dzme1530.ph

DA, tiniyak ang pakikipagtulungan sa DOJ laban sa mga opisyal na sangkot sa onion price manipulation

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na makikipagtulungan sila sa Department of Justice (DOJ) upang masawata ang mga iregularidad sa kanilang departamento.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at spokesperson Arnel de Mesa, hindi naman apektado ang operasyon ng DA sakaling masuspinde ang ilang opisyal na sangkot sa umano’y pag-iimbak at pagmamanipula ng presyo sa mga sibuyas noong Disyembre 2022.

Kabilang sa mga dito ay sina DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, Bureau of Plant Industry Director Gerald Glenn Panganiban at Agriculture Agribusiness and Marketing Assistance Service officer-in-charge Director Junibert de Sagun.

Nabatid na matapang na pinangalanan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang naturang mga opisyal at iginiit na sasampahan ang mga ito ng kasong graft and corruption. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author