dzme1530.ph

DA: poultry imports mula sa Chile, ban muna sa Pilipinas

Pansamantalang ipinagbawal ng pamahalaan ang pagpasok ng poultry imports mula sa Chile makaraang kumpirmahin ng South American Country na mayroong silang Bird flu outbreak.

Sa Memorandum Order, nagpatupad ang Department of Agriculture ng Temporary ban sa importasyon ng domestic at wild birds at kanilang mga produkto, gaya ng poultry meat, day old chicks, eggs at semen mula sa Chile.

Nakasaad sa Memo na kailangang mapigilan ang pagpasok ng virus sa bansa upang maprotektahan ang kalusugan ng local poultry population.

Sa datos mula sa Bureau of Animal Industry, hanggang noong Marso ay nakapag-deliver na ang Chile sa bansa ng 2.9 million kilograms ng manok, na mechanically deboned o mechanically separated.

About The Author