dzme1530.ph

DA, posibleng ipatupad sa Lunes ang bagong SRP ng sibuyas

Inihayag ng consumer affairs ng Department of Agriculture (DA) na nagkasundo na sila ng mga stakeholder na magkaroon ng suggested retail price (SRP) sa sibuyas.

Sinabi ni DA Spokesperson Kristine Evangelista na P150 ang magiging SRP ng pulang sibuyas habang P140 para sa puting sibuyas.

Ani Evangelista, kung maaaprubahan ngayong linggo ang napag-usapang SRP ay agad itong ipatutupad sa Lunes.

Matatandaang kasalukuyang naglalaro sa P160 hanggang P200 ang presyo ng kada kilo ng sibuyas sa mga merkado sa NCR.

About The Author