dzme1530.ph

DA, aminadong walang kakayahan na maibaba sa P20/kl ang bigas sa bansa

Aminado ang Department of Agriculture (DA) na wala silang kakayahan na maibaba sa P20 ang per kilo ng bigas sa bansa.

Sinabi ni DA Usec. Leocadio Sebastian, posibleng mag-estabilize sa P45 hanggang P46 per kilo ang presyo ng bigas sa panahon ng anihan, dahil mataas ang production cost at gastos sa pagpasok ng imported na bigas sa bansa.

Kaya anilang maibaba ang post-harvest cost, production cost at kung mapabubuti ang value chain, maaaring ma-maintain ang mababang presyo ng bigas sa merkado ngunit malabo na aniyang bumaba pa ito sa P20 per kilo.

Binigyang diin ng DA official na dedepende sa merkado ang pagbaba ng presyo kahit na maabot ng bansa ang target na 95% rice sufficiency.

About The Author