dzme1530.ph

D.A. tiniyak na may nakahandang ayuda para sa mga magsasaka at mangigisdang apektado ng bagyong Amang

Tiniyak ng Department of Agriculture na may nakahanda ng ayuda para sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng bagyong Amang.

Sa tantya ng ahensya, higit 600,000 ektarya ng palayan at maisan ang posibleng tamaan ng bagyo sa apat na rehiyon sa bansa.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang D.A sa mga lokal na pamahalaan at iba pang Regional Disaster Risk Reduction and Management Offices para sa sitwasyon ng mga apektadong lugar.

Nakahanda na rin ang mga binhi ng palay at mais, fingerlings at iba pang tulong para sa livestock at poultry sector.

About The Author