Maaari pa ring magtanim ang mga magsasaka ngayong Hulyo sa kabila ng nakaambang El Niño.
Ito ang inihayag ni Dept. of Agriculture Field Operations Service Director U-Nichols Manalo na ligtas pa ring magtanim dahil may mga pag-ulan pang inaasahan, ayon sa PAGASA.
Sa katunayan, marami pang lugar ang makararanas ng above normal rainfall o malakas na pag-ulan ngayong buwan, kaya maaari aniyang simulan ng mga magsasaka na may small scale irrigation facilities ang pag-iipon ng tubig mula sa sobrang pag-ulan.
Batay sa Agrometeorological Forecast ng PAGASA, posibleng makaranas ng below normal rainfall ang mga lalawigan sa Luzon sa Oktubre, na lalala pa pagsapit ng disyembre.
Sinabi rin ng D.A. na maaaring hanggang sa second quarter ng 2024 mararamdaman ang epekto ng El Niño sa sektor ng agrikultura.
Gayunpaman, kabilang sa plano na inihahanda ng ahensya ang pagma-mapping ng mga lugar na posibleng tamaan ng nasabing phenomenon, pagsasagawa ng clooud sedding operation, at pag-aalok ng drought resistant seeds. —sa panulat ni Airiam Sancho