Nakatakdang mag-angkat ang Dept. of Agriculture ng breeder animals upang mapataas ang bilang ng livestock sa bansa.
Ito ay manggagaling sa United States at Australia na popondohan sa pamamagitan ng national livestock program (NLP).
Batay sa isang memorandum na inilabas ng D.A., bubuo ang ahensya ng selection team para mag-evaluate at mamili ng breeder animals na aangkatin.
Mula sa 167.5 billion peso-approved budget ng kagawaran para sa 2024, P2.20-B ang nakalaan para sa hog repopulation at recovery.
Matatandaang inanunsyo ng Agriculture Dept. ang plano nito na palakasin ang lokal na produksyon ng livestock at poultry nang limang beses sa loob ng 5-taon, upang mabawasan ang pag-iimport ng mga produkto. —sa panulat ni Airiam Sancho