Dapat maging maingat ang Dept. of Agriculture sa paglalabas ng datos hinggil sa Memorandum order no. 32 o ang paggamit ng biofertilizer upang mapabuti ang produksyon ng bigas.
Ito ang inihayag sa panayam ng DZME1530 ni Federation of Free Farmers Chairman Leonardo Montemayor kaugnay sa P2,000 halaga kada bag ng biofertilizer, na sinabing overpriced ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).
Nilinaw naman ni Montemayor na bagama’t napabalitang P500 kada bag lang ibinebenta ng University of Philippines Los Baños (UPLB) ang kanilang biofertilizer , ay may iba’t ibang uri nito sa merkado.
Watch: https://fb.watch/kxosfzDkY-/