Nag-alok si Czech Republic Prime Minister Petr Fiala ng tulong para sa pagpapalakas ng pwersa at agrikultura ng Pilipinas.
Sa joint press briefing sa palasyo kasama si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., inihayag ni Fiala na napakahalaga ng depensa at seguridad sa relasyon ng dalawang bansa.
Kaugnay dito, sinabi ng state leader na ang Czech Companies ay maaaring makapagbigay ng mga solusyon sa maraming larangan tulad ng agriculture, aviation, transportation, o space technologies.
Kabilang dito ang alok na tulong para sa malawakang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines, kasama ang pagbabahagi ng teknolohiya.
Ipinagmalaki rin nito ang naibibigay na technological assistance at expertise ng Czech companies sa Philippine National Dairy Authority, at ini-alok din nito ang mga teknolohiya para sa storage at processing ng raw milk.
Ibinida naman ni pangulong marcos ang lumalagong ekonomiya ng bansa, at sang-ayon ito sa kahalagahan ng kooperasyon at paghanap ng mga bagong oportunidad para sa pagpapalakas ng bilateral relations. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News